Lunes, Disyembre 5, 2016

Ang Hiling ko ngayong Pasko


Lahat tayo ay may kanya-kanyang hiling, ngunit naalala ba natin kung ano talaga ang ibig sabihin ng Pasko? Ang Pasko kung saan ang lahat ay dapat nagsasaya at nagsasama-sama? Ang Pasko, kung saan magbigayan tayo at mag salo-salo ng mga pagkain para sa mga bata sa lansangan. Maraming mga pamilya na kumpleto sila kahit wala silang handa masaya parin kasi buo sila.

Ang Hiling ko ngayong Pasko ay kumpleto kaming lima. Gusto kung pumunta nang ibat-ibang bansa kasama ko yung mahal ko sa buhay. Marami akong mga hiling pero halos lahat na bigay na nila. Pero ngayong pasko gusto ko magkaroon ng ukulele kaso wala kaming pera ngayon pero na intindihan ko rin sila pagdating nang panahon makabili din ako ng ganyan. Gusto ko na makapag ari ako na malaking "hotel" at restawran na ako ang pangangasiwa sa malaking kung kompanya.

Alam naman natin na mahalaga talaga ang pasko dahil ito ay pinakamasayang araw tuwing taon. Wala na akong mahihiling kasi masaya na ako sa anong makukuha ko o maibigay sakin. Sana may tumutulong sa mga bata na nasa lansangan para sa kanilang matutuloyan at sa kanilang pang araw-araw na pagkain.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento