Ang kahalagahan ng blogging ay malaman nila kung ano ang sasabihin mo o tungkol sa buhay mo ang ilalaagay mo dun. Nasa iyo kung ano ang ilalagay mo dahil ito ang iyong sayt hindi sila ang magdedesisyon kung ano ang dapat ilalagay mo sa iyong blog.
Martes, Disyembre 13, 2016
Ang Aking Opinyon Tungkul sa Pamamahagi ng Condoms sa Paaralan
Ang Kagawaran ng Kalusugan at Kagawaran ng Edukasyon ay gumagamit ng maling solusyon sa tunay na suliranin, kung saan lumalaki ang mga kabataan nang walang edukasyon at mabuting kaasalan
Kung inilalaan mo ang lahat para sa pagpapakasal, mawawala ang AIDS. Labanan natin ito nang may pagtitiis, ang sektor ng edukasyon sa halip, ay magturo sa kabataan kung paano maging mabuti at kung paano huwag maging masama.
Para sa akin dapat ang magbigay nang mga condoms ay kanilang mga magulang pero hindi sa paaralan. Dapat din sabihin kung ano ang kahalagaan nang condoms para malaman din nila para saan yun. Marami na ngayon mga batang nagka HIV/AIDS dahil sa hindi paggamit nito at marami na din tayong mga batang ina at ama.
Kung ang tiket ng eroplano libre saan ako pupunta
Kung ang tiket ng eroplano libre saan ako pupunta. Pupunta ako sa magagandang lugar katulad nang Paris ang pinaka romantikong lugar sa buong mundo para sakin lang yan ha. Gusto ko kasama ko yung mga pamilya ko para masulit namin yung oras at pagkakataon na yun.
Masaya kapag maglalakbay ka kasama pamilya mo o mga kaibigan mo kasi may kasama ka at may makausap ka. Simple lang naman ang gusto ko kasama ko yung pamilya ko. Masaya ako kapag matutupad yan sa totoong buhay ko.
Camotes Escapade
Ito yung araw na pumuta kami nang Camotes para bisitahin at magdiriwang nang kaarawan nang lola ko . Masaya ako kasi marami kaming kasama pumunta dun sa lola ko.
Ito yung sinakyan namin para maka punta kami sa Camotes. Maaga kaming gumising para magpila para bumili nang ticket dun sa pilahan. Gumising kami nang 2 am para hindi kami maubosan nang ticket.
Ito ay nandito kami sa Mangodlong na abg sabi nila ito daw ang pinakamahal na pahingahan ng mga taong torista sa Camotes. Pumuta kami doon para kumuha nang litrato.
Lunes, Disyembre 12, 2016
Ang Aking Pangalawang Pamilya
Ito ay ang aking pangalawang pamilya. Ito ang unang larawan namin na kumpleto namin. Masaya ako kasi nagtutulongan kami sa isa't isa.
Ito yung araw na sumasayaw kami ng hiphop at streetdance. Masaya ako kasi naging tagumpay ang aming presentasyon. Todo yung supporta nang aming guro kasi matagumpay naming natapos yung sayaw.
Linggo, Disyembre 11, 2016
Ang Pinakamahalagang Tao sa aking Buhay
Ito ang aking ina na maganda. Siya ang aking napili kasi siya ang aking inspirasyon sa aking buhay. Mahal na mahal ko yang mama ko kasi siya ang nag alaga sa aming tatlong magkakapatid. Alam ko na mahirap kaming alagaan kasi matitigas ang ulo hindi kami sumosunod sa utos niya. Alam ko na matanda na yung mama ko parang 45 na yata siya ngayon. Si mama ang ikatlo sa kaning magkakapatid na anim sila lahat. Siya ang panganay na babae sa kanilang magkakapatid.
Ang mama ko ay maybahay sa aming pamilya. Si mama ang nagbabantay sa aming bahay. Si mama ay mabait, maganda, at higit sa lahat maalaga sa amin. Masipag din siya sa pagadting ng gawaing bahay. Tumutulong din ako sa mama ko pagdating sa pagluluto nang pagkain sa aming bahay.
Para sakin ma swerte ako kasi naging mama ko siya.
Lunes, Disyembre 5, 2016
Ang Hiling ko ngayong Pasko
Lahat tayo ay may kanya-kanyang hiling, ngunit naalala ba natin kung ano talaga ang ibig sabihin ng Pasko? Ang Pasko kung saan ang lahat ay dapat nagsasaya at nagsasama-sama? Ang Pasko, kung saan magbigayan tayo at mag salo-salo ng mga pagkain para sa mga bata sa lansangan. Maraming mga pamilya na kumpleto sila kahit wala silang handa masaya parin kasi buo sila.
Ang Hiling ko ngayong Pasko ay kumpleto kaming lima. Gusto kung pumunta nang ibat-ibang bansa kasama ko yung mahal ko sa buhay. Marami akong mga hiling pero halos lahat na bigay na nila. Pero ngayong pasko gusto ko magkaroon ng ukulele kaso wala kaming pera ngayon pero na intindihan ko rin sila pagdating nang panahon makabili din ako ng ganyan. Gusto ko na makapag ari ako na malaking "hotel" at restawran na ako ang pangangasiwa sa malaking kung kompanya.
Alam naman natin na mahalaga talaga ang pasko dahil ito ay pinakamasayang araw tuwing taon. Wala na akong mahihiling kasi masaya na ako sa anong makukuha ko o maibigay sakin. Sana may tumutulong sa mga bata na nasa lansangan para sa kanilang matutuloyan at sa kanilang pang araw-araw na pagkain.
Linggo, Disyembre 4, 2016
Alindahaw Lakewood Resort
Nandito kami sa Alindahaw Lakewood kasama namin yung kamag-anak nang mama ko so ayon . Dito sa Lakewood sobrang layo galing kami sa Molave patungo dito parang 1-2 hours yata kami bago maka punta dito pero tingnan mo naman ang ganda din diba sulit din ang pagpunta namin dito.Mahal kasi dito buti na lang nagtulung-tulungan sila sa mga gastusin .Masaya ako kasi kasama sila kasi marami nanamn ang mga pagkain.
Ito pala yung pool na niligoan namin.
Sinulit namin ang pagkakataon na makaligo dito para hindi masayang ang pagpunta namin dito.
So ayon ni libot namin yung buong lake nakakatakot kasi baka may buaya dun pero sabi ni kuya wala namn daw. Pero hindi namn ako natatakot kasi may kasama naman ako kain lang ako ng kain nun.
Adventure in Camiguin
Ito pala yung pamilya ko . Ako lang pala ang pinakamagandang anak nila pasenya na feeling maganda lang pala hehehe. Hindi ko inakala na maka punta kami dito kasi wala ito sa plano nila. Kasi malayo din kaming ni lakbay patungo sa pantalan parang 3-4 hours ata yun. Sumakay na kami nang barko 1 hour ata yung patungong Camiguin ang layong layo pero pagnakita mo yung magandang tanawin parang worth it ang puyat at paggising nang maaga.
Ayun sa maglalayag itong bundok na ito ay tinatwag nilang Tres Marias. Sumakay kami sa bangka patungo sa White Island na nasa kabilang isla .
At yun naka punta din kami sa Isla. Kumain kami nagkatuwaan at sinulit namin yung pagkakataon na may litrato kaming lima. Meron pang gandang lugar diyan kaso wala akong mga litrato nun eh parang na bura na. Worth it tagala lahat ng na puntahan namin.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)